Published on March 31, 2025

Nananawagan si #83 OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” Magsino sa Department of Migrant Workers (DMW) at mga Local Government Units (LGUs) na mas agresibong palawakin ang impormasyon tungkol sa Seasonal Workers Program (SWP) sa South Korea. Hinimok niya ang paggamit ng online platforms, DMW regional offices, at news outlets upang matiyak na alam ng mga aplikante ang tamang proseso ng aplikasyon at kanilang mga karapatan bilang seasonal farm workers.

Sa town hall meeting ng #83 OFW Party List kasama ang mga lider ng Filipino Communities sa South Korea noong Hunyo 2023, direktang narinig ni Rep. Magsino ang mga ulat ng paglabag sa karapatan ng mga seasonal farm workers. Ang SWP ay nagbibigay-daan sa mga Pilipino na magtrabaho sa mga sakahan sa South Korea sa loob ng 3 hanggang 5 buwan, alinsunod sa mga Memorandum of Understanding (MOUs) sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan.

Dahil sa panawagan ni Magsino, kasama ang Embahada ng Pilipinas sa South Korea at Migrant Workers Office, nagpalabas ang DMW ng Advisory No. 01-A to E upang ayusin ang proseso at alituntunin ng SWP. Nakasaad sa bagong guidelines na kailangang tiyakin ng mga LGU na kasama sa MOU ang maayos na kondisyon sa paggawa, makatarungang sahod, at access sa medical care para sa mga manggagawa. Ipinag-uutos din ang monitoring process, status reports, at pagsusumite ng kumpletong employment contract, pati ang undertaking ng LGU na walang kinokolektang unauthorized fees.

Binibigyang-diin din ng guidelines ang pagbabayad ng OWWA membership sa ilalim ng Seasonal Work Invitation Program for Family Members.

Ayon kay Magsino, mahalagang ipakalat ang impormasyong ito upang maiwasan ang panloloko, lalo na’t may mga naitatalang kaso kung saan nagbabayad nang malaki ang mga aplikante sa mga iligal na broker o diumano’y sa mismong LGU para sa kanilang deployment.

“Marami pa rin sa mga seasonal workers ang hindi alam ang tamang proseso at kanilang karapatan sa ilalim ng bagong DMW guidelines. Dahil dito, nabibiktima sila ng mga broker o ilang kawani ng LGUs na naniningil ng malaking halaga kapalit ng kanilang pag-alis. May mga ulat na umaabot sa mahigit isang-daang libong piso ang sinisingil sa mga aplikante ng SWP. Hindi rin nila alam ang tamang kondisyon sa trabaho, kaya’t nauuwi sila sa pang-aabuso,” paliwanag ni Magsino.

Hinikayat din ni Magsino ang mga aplikante na tiyaking lehitimo ang kanilang kontrata at bayarin sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa DMW.

“Lumapit po kayo sa mga regional offices ng DMW o tumawag sa kanilang mga hotline upang masiguro na hindi kayo naloloko ng mga nag-aalok ng trabaho sa ilalim ng SWP,” dagdag niya.

Bukod sa paghahain ng House Resolution 1343 upang suriin ang SWP, patuloy na binabantayan ng #83 OFW Party List ang sistema ng recruitment at deployment upang tuluyang masugpo ang panloloko at pang-aabuso sa ilalim ng programa.

Published on March 27, 2025

Ikinalugod ni Rep. Marissa Del Mar Magsino ng #83 OFW Party List ang naging desisyon ng Korte Suprema (SC) na ideklarang labag sa Saligang Batas ang isang probisyon ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act No. 11199 o Social Security Act of 2018.

Sa ilalim ng nasabing batas, ginawang compulsory ang SSS coverage ng lahat ng OFWs, land o sea-based. Ngunit sa Rule 14, Section 7 [iii] ng IRR ng batas, ipinataw na dapat nilang bayaran ang kanilang Social Security System (SSS) contributions bago pa man sila makaalis ng bansa kung ang kanilang host country ay walang Social Security o Bilateral Labor Agreement (BLA) sa Pilipinas.

Sumasang-ayon si Magsino na ang nasabing probisyon sa IRR ay kontra sa karapatan ng OFWs na maglakbay at sa kanilang karapatan sa ari-arian. Ang pagsasawalang-bisa nito ay isang tagumpay para sa ating mga migranteng manggagawa.

“Kinikilala natin ang kahalagahan ng SSS contributions para sa seguridad ng ating mga manggagawa, ngunit hindi ito dapat ipataw sa paraang lalong magpapahirap sa kanila. Malinaw sa atin na ang sapilitang pagbabayad ay dagdag-pabigat sa mga aalis pa lamang na OFWs, na kung minsan ay nangungutang pa para mapondohan ang kanilang paglalakbay,” pahayag ni Magsino.

Ipinunto rin ni Magsino na hindi dapat ginagamit ang advance payment ng SSS contributions bilang rekisito upang maproseso ang Overseas Employment Certificate (OEC) ng mga OFW, na siyang kailangan nila upang makaalis ng bansa.

“Ang dapat nating isulong sa IRR ng batas ay ang mga mekanismo na titiyak at magpapabilis sa pagkuha ng SSS benefits ng mga OFW sa halip na gawing pabigat ang pagpatupad ng batas sa kanila,” dagdag pa niya.

Published on March 26, 2025

Sinalubong ng mga ahensya ng pamahalaan, kasama si #83 OFW Party List Rep. Marissa Del Mar Magsino, ang 176 na Pilipinong biktima ng human trafficking na dumating sa bansa mula Myawaddy, Myanmar, ngayong Miyerkules (Marso 26).

Dumating ang mga biktima sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bandang 5:40 ng umaga lulan ng isang espesyal na flight ng Philippine Airlines mula Bangkok, Thailand.

Ayon sa Department of Foreign Affairs – Office for Migration Affairs (DFA-OMA), karamihan sa kanila ay na-recruit sa iligal na trabaho sa Myanmar at dumanas ng pang-aabuso.

“Bilang chairperson ng Anti-Trafficking OFW Movement at isang Observer sa IACAT, batid kong talagang nakakapanlumo ang mga pinagdadaanan ng mga human trafficking victims. Napakahalaga na matulungan sila hindi lamang sa agarang repatriation kundi pati na rin sa pagbabalik sa normal na buhay,” ayon kay Magsino.

Pinangunahan ng Inter-agency Council Against Trafficking (IACAT), Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Migrant Workers (DMW), Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at Bureau of Immigration (BI) ang mabilis na proseso sa airport upang mapadali ang pag-asikaso sa mga biktima.

“Nagpapasalamat tayo sa mga ahensya ng pamahalaan sa pagtiyak ng kanilang kaligtasan at pagtulong na sila’y muling makapagsimula,” saad ni Magsino.

Matapos salubungin ng mga ahensya at ng #83 OFW Party List, agad na dinala ang mga biktima sa temporary lodging kung saan sila bibigyan ng psychosocial support, legal assistance, at iba pang kinakailangang tulong hanggang makauwi sa kani-kanilang mga lugar.

“Hindi natatapos ang ating trabaho sa kanilang pag-uwi. Kailangan natin ng mas mahigpit na aksyon laban sa human trafficking upang hindi na ito maulit,” ani pa ni Magsino, na nangakong ipagpapatuloy ng #83 OFW Party List ang pagsusulong ng mas matitibay na batas at proteksyon para sa mga Pilipinong nasa ibang bansa.

Patuloy na nananawagan ang gobyerno at ang #83 OFW Party List sa mga Pilipino na maging mapanuri sa mga overseas job offers at agad na ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang recruitment activity.

Published on March 18, 2025

Manila - A lawmaker is pushing for more seamless departure process for Overseas Filipino Workers (OFWs) through full automation of the Overseas Employment Certificate (OEC) and its integration into the country’s e-Travel system.

Rep. Marissa “Del Mar” Magsino of #83 OFW Party List is advocating for the move, emphasizing that eliminating the separate issuance of the OEC will significantly ease the burden on OFWs without compromising safeguards against human trafficking.

According to Magsino: “The Department of Migrant Workers (DMW) is already integrated with the Bureau of Immigration (BI). There’s no need to apply separately for OEC when the system can recognize an OFW’s status automatically. We may just need to upgrade the integration to ensure all necessary details are reflected in the BI’s system. This is about streamlining the process while still ensuring that the OEC remains a requirement for accountability and protection.”

In a meeting with Department of Information and Communications Technology (DICT) Usec. David Almirol last week, Rep. Magsino discussed the upgraded integration as a necessary step toward a more efficient and modernized government service.

Under the proposed system, OFWs would no longer be required to obtain a separate OEC as their information would be automatically recognized through the integration of the DMW and the BI. This streamlining would remove redundant steps while maintaining compliance with existing regulations.

Magsino emphasized that this initiative aligns with the government’s broader digitalization efforts, ultimately benefiting millions of OFWs who frequently go through the process.

“Our OFWs deserve a hassle-free system that acknowledges their sacrifices and contributions to the economy. We need to make government transactions work for them, not the other way around,” she added.

If adopted, the integration could be a game-changer for OFWs, reducing paperwork and wait times while maintaining necessary protections against human trafficking.

Published on March 17, 2025

Nanawagan nitong Miyerkules (Marso 12) si OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” Magsino sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs), Overseas Filipinos (OFs), at Filipino seafarers na magpre-enroll nang maaga para sa Online Voting and Counting System (OVCS) na gagamitin para sa overseas voters sa 2025 Midterm Elections.

Ito ay matapos ianunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) ang paglipat ng petsa ng pre-enrollment period para sa internet voting sa Marso 20, 2025 sa halip na Marso 10. Mananatili naman ang deadline sa Mayo 7 ng kasalukuyang taon.

Naniniwala si Rep. Magsino na ang pagbabagong ito ay hakbang upang tiyakin ang maayos at epektibong pagpapatupad ng OVCS, na unang beses pa lamang gagamitin sa kasaysayan ng halalan sa Pilipinas.

Suportado rin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpapalawig ng pre-enrollment period upang masiguro na lahat ng teknikal na aspeto at mga probisyon sa ilalim ng Republic Act No. 9369 o Election Automation Law ay matutupad, nang sa gayon ay maging maayos at maaasahan ang bagong sistemang ito.

“Ang paggamit ng OVCS para sa ating overseas voters ay isang makasaysayang hakbang patungo sa mas mabilis at mas maginhawang paraan ng pagboto para sa ating mga OFWs at mga seafarers. Mahalaga ito upang mahikayat silang aktibong gamitin ang kanilang karapatang bumoto bilang mga mamamayang Pilipino,” pahayag ni Rep. Magsino.

Gayunpaman, pinaalalahanan ni Rep. Magsino na dahil pinaikli ang pre-enrollment period, mahalagang mag-enrol agad ang mga OFWs, OFs, at Filipino seafarers upang hindi malampasan ng enrolment period.

“Dahil mas maikli na ang pre-enrollment period, kailangang kumilos tayo agad upang masigurong walang OFW ang maiiwan sa online voting. Huwag nating sayangin ang pagkakataong makibahagi sa kauna-unahang at makasaysayang internet voting sa bansa,” aniya.

Bilang isang masigasig na tagapagtaguyod ng Internet Voting Bill, muling iginiit ng mambabatas na ang pagpapatibay nito ay isa sa kanyang pangunahing adbokasiya. Patuloy na isinusulong ng OFW Party List ang mga reporma at inisyatibang magpapagaan sa buhay ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa at magpapalakas ng kanilang karapatan bilang mga mamamayan.

Published on March 3, 2025

OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” Magsino is pushing for tougher accountability measures against freight forwarders and consolidators involved in missing or undelivered balikbayan boxes, as concerns grow over fraudulent shipping practices victimizing Overseas Filipino Workers (OFWs).

During a recent Technical Working Group (TWG) meeting, co-chaired by OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” Magsino and Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac, stakeholders discussed possible legislative and administrative solutions to ensure ‘Balikbayan Boxes’ reach their intended recipients. The meeting follows two congressional hearings on House Resolution No. 499, authored by Magsino, which seeks to address widespread complaints from OFWs regarding mishandled or lost shipments.

Among the issues raised was the need to hold consolidators and de-consolidators accountable through solidary or subsidiary liability in lost or undelivered balikbayan boxes. Lawmakers also explored requiring de-consolidators to post a performance bond as a prerequisite for accreditation with the Department of Trade and Industry (DTI) and the Bureau of Customs (BOC), ensuring financial accountability for lost shipments.

Apart from civil liability, another key point of discussion was the possibility of defining fraudulent practices in ‘Balikbayan Boxes’ shipments as criminal acts under either the Revised Penal Code or a special law.

The panel also tackled proposed amendments to the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) to reinforce the tax exemption on balikbayan boxes and prevent their wrongful auction. Additionally, the TWG examined policies on reversing the “abandoned” status of ‘Balikbayan Boxes’ to ensure rightful owners can reclaim their shipments.

To further strengthen enforcement, the Department of Migrant Workers (DMW), Bureau of Customs (BOC), and Department of Trade and Industry (DTI) will draft a Joint Administrative Order (JAO) outlining clear guidelines on how erring consolidators and deconsolidators will be penalized should they fail to deliver balikbayan boxes to OFW families. This joint agreement aims to provide a structured mechanism for imposing sanctions and ensuring accountability across all parties involved in the shipping process.

Determined to put an end to these abuses, Magsino issued a firm call to action: “We must act now. OFWs work hard to send these ‘Balikbayan Boxes’ to their families, and it is unacceptable that their trust continues to be exploited. We need real accountability, stronger safeguards, and immediate solutions. Let’s ensure that every ‘Balikbayan Box’ reaches its rightful owner, undamaged, untampered, and on time.”

The TWG is expected to submit its final recommendations to the House Committee on Overseas Workers Affairs for possible inclusion in pending legislation or executive action.

Published on March 12, 2025

Nanawagan nitong Miyerkules (Marso 12) si OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” Magsino sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs), Overseas Filipinos (OFs), at Filipino seafarers na magpre-enroll nang maaga para sa Online Voting and Counting System (OVCS) na gagamitin para sa overseas voters sa 2025 Midterm Elections.

Ito ay matapos ianunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) ang paglipat ng petsa ng pre-enrollment period para sa internet voting sa Marso 20, 2025 sa halip na Marso 10. Mananatili naman ang deadline sa Mayo 7 ng kasalukuyang taon.

Naniniwala si Rep. Magsino na ang pagbabagong ito ay hakbang upang tiyakin ang maayos at epektibong pagpapatupad ng OVCS, na unang beses pa lamang gagamitin sa kasaysayan ng halalan sa Pilipinas.

Suportado rin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpapalawig ng pre-enrollment period upang masiguro na lahat ng teknikal na aspeto at mga probisyon sa ilalim ng Republic Act No. 9369 o Election Automation Law ay matutupad, nang sa gayon ay maging maayos at maaasahan ang bagong sistemang ito.

“Ang paggamit ng OVCS para sa ating overseas voters ay isang makasaysayang hakbang patungo sa mas mabilis at mas maginhawang paraan ng pagboto para sa ating mga OFWs at mga seafarers. Mahalaga ito upang mahikayat silang aktibong gamitin ang kanilang karapatang bumoto bilang mga mamamayang Pilipino,” pahayag ni Rep. Magsino.

Gayunpaman, pinaalalahanan ni Rep. Magsino na dahil pinaikli ang pre-enrollment period, mahalagang mag-enrol agad ang mga OFWs, OFs, at Filipino seafarers upang hindi malampasan ng enrolment period.

“Dahil mas maikli na ang pre-enrollment period, kailangang kumilos tayo agad upang masigurong walang OFW ang maiiwan sa online voting. Huwag nating sayangin ang pagkakataong makibahagi sa kauna-unahang at makasaysayang internet voting sa bansa,” aniya.

Bilang isang masigasig na tagapagtaguyod ng Internet Voting Bill, muling iginiit ng mambabatas na ang pagpapatibay nito ay isa sa kanyang pangunahing adbokasiya. Patuloy na isinusulong ng OFW Party List ang mga reporma at inisyatibang magpapagaan sa buhay ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa at magpapalakas ng kanilang karapatan bilang mga mamamayan.

Published on March 10, 2025

Mariing kinukondena ng OFW Party List ang patuloy na pambibiktima sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ng mga illegal recruiter upang ipadala sa mga Offshore Gaming Operations (OGOs), partikular sa mga bansang Cambodia, Myanmar, at Laos. Ang mga nabibiktimang OFWs ay nililinlang na may lehitimong kabuhayang nag-aantay sa kanila sa ibang bansa ngunit sapilitang pinagtatrabaho sa mga operasyon ng offshore gaming operations kung saan sila ay nakararanas ng pang-aapi, pang-aabuso, at pananakit mula sa mga dayuhang kakuntsaba ng mga illegal recruiter.

“Winakasan na ang paghahari ng mga POGO dito sa Pilipinas sa utos ni President Bongbong Marcos ngunit hindi pa rin tumitigil ang mga illegal recruiter sa pandadamay sa ating mga kababayan sa iba’t ibang uri ng kriminalidad sa mga offshore gaming operations sa Southeast Asia. Daan-daang Pilipino na ang nabiktima, maging ang ibang mga lahi, sa patuloy na operasyon ng mga sindikato,” saad ni Rep. Magsino.

Sa kasalukuyan, ang Department of Migrant Workers (DMW) ay nagsasagawa ng imbestigasyon upang matukoy ang mga tao at grupong nasa likod ng recruitment ng mga Pilipinong pinadadala sa mga lugar na ito.

Ipinahayag ni OFW Party List Representative Marissa "Del Mar" Magsino ang kaniyang suporta sa mga hakbang ng DMW, sa pangunguna ni Undersecretary Bernard Olalia, upang tugisin at papanagutin ang mga nasa likod ng modus operandi na ito. Subalit nagpaalala rin siya na ang paglaban sa malawakang sindikato ay kinakailangan ang buong pwersa ng pamahalaan, maging ang matinding koordinasyon sa mga opisyal ng mga bansang ginagalawan ng mga offshore gaming operations.

“Ilang taon na ang panloloko at kriminalidad na bumibiktima sa ating mga OFWs ngunit patuloy pa rin ang mga modus. Buong pwersa ng gobyerno ang dapat tumugis sa sindikatong nasa likod ng ganitong pang-aabuso. Hanapin at kasuhan ang mga recruiter na nang-eengganyo sa ating mga OFW na magtrabaho sa ibang bansa sa Timog-Silangang Asya na kalaunan ay mapupunta sa mga operasyon ng sindikato. Nais din natin ang mas maigting na koordinasyon sa mga opisyal ng Cambodia, Laos, at Myanmar na siguradong gusto rin wakasan ang ganitong kriminalidad sa kanilang bansa,” diin ni Rep. Magsino.

Nauna nang inihayag ni OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” Magsino sa isang high-level policy dialogue noong Pebrero 2023 ang paglaganap ng pambibiktima sa mga OFW ng mga sindikato sa lugar na tinaguriang Golden Triangle. Iniharap niya ang tatlong (3) OFW na naging biktima ng pambubugbog at pangunguryente sa pagpupulong kasama ang Department of Migrant Workers, Department of Foreign Affairs, Bureau of Immigration, Manila International Airport Authority, Philippine National Police, at National Bureau of Investigation.

Noong Disyembre 2023 ay naghatid din si Rep. Magsino ng privilege speech sa plenaryo upang talakayin ang nakakaalarmang pagsirit ng human trafficking sa bansa sa pamamagitan ng mga POGO.

Patuloy ang suporta ng OFW Party List sa pamahalaan, lalo na sa DMW, sa lahat ng inisyatiba nito na naglalayong wakasan ang illegal recruitment at human trafficking sa loob at labas ng bansa upang matiyak ang kaligtasan ng bawat kababayan, lalo na ang mga OFW.

OFW PARTY LIST PATULOY NA MINAMAHAL NG MGA OFW, PASOK SA IKA-19 NA PUWESTO SA PINAKABAGONG SWS SURVEY

Published on February 27, 2025

Patuloy na tumataas ang suporta para sa OFW Party List matapos nitong makuha ang ika-19 na puwesto sa pinakabagong Social Weather Stations (SWS) Pre-Election Survey nitong Pebrero 2025. Ito ay isang malaking pag-angat mula sa ika-29 na puwesto noong Disyembre 2024, na nagpapakita ng lumalawak na pagkilala at suporta sa kanilang mga adbokasiya.

Batay sa survey, nakakuha ang OFW Party List ng 0.97% noong Disyembre at nasa 1.23% ngayong Pebrero. Sa kabuuang 156 party list groups na lumalahok sa halalan, ang patuloy na pag-angat ng OFW Party List ay nagpapakita ng lumalakas nitong impluwensya at pagmamahal mula sa mga OFW at kanila mismong mga pamilya na karamihan ay natulungan nang personal ng kinatawan nito na si Rep. Marissa Del Mar Magsino.

Kasalukuyang kinakatawan ng OFW Party List ang sektor ng mga migranteng manggagawa sa ika-19 na Kongreso at muling tumatakbo para sa ikalawang termino sa nalalapit na halalan.

Ilan sa kanilang mga pangunahing panukalang batas ay ang Magna Carta of Filipino Seafarers, internet voting para sa OFWs, tulong sa repatriation, mga hakbang laban sa human trafficking, at mas matibay na proteksyon sa mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.

Ang patuloy na pagtaas ng OFW Party List sa survey rankings ay patunay ng lumalakas na suporta mula sa publiko. Sa papalapit na halalan, lalo nitong pinatitibay ang tiyansa nitong makakuha muli ng puwesto sa Kongreso upang maipagpatuloy ang pagtataguyod ng kapakanan ng mga OFW at kanilang pamilya.

OFW PARTY LIST SA OVERSEAS VOTERS: LUMAHOK SA UNANG INTERNET VOTING SA KASAYSAYAN

Published on February 20, 2025

Muling pinaalalahanan ni OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” Magsino nitong Huwabes ang mga overseas voters, lalo na ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at Filipino seafarers, na makilahok sa kauna-unahang Overseas Internet Voting sa darating na halalan.

Sa pinakahuling informational video na inilabas ng Commission on Elections (COMELEC), handa na ang mekanismo para sa makasaysayang internet voting sa 77 foreign posts. Sa pamamagitan nito, maaari nang bumoto ang overseas Filipino voters gamit ang tablets, laptops, o mobile phones.

Ayon sa COMELEC, ang pre-voting enrolment period para sa mga rehistradong overseas voters ay mula Marso 10 hanggang Mayo 7, 2025. Maaaring mag-enrol gamit ang internet-capable device, voting kiosks sa mga embahada at konsulado, o sa field/mobile pre-voting enrolment na isasagawa ng mga embahada at konsulado. Samantala, ang voting period para sa overseas voting ay mula Abril 23 hanggang Mayo 12, 2025.

Magsino: “Muli tayong nananawagan sa ating overseas voters na lumahok sa kauna-unahan at makasaysayang internet voting. Ito’y ating ipinaglaban, kasama ang COMELEC, dahil batid natin ang hirap ng ating mga OFWs at seafarers sa pagboto tuwing halalan dahil sa oras at layo ng polling places. Gamitin natin ang ating karapatang bumoto upang makatulong sa paghubog ng Pilipinas na ating pinapangarap.”

Noong Halalan 2022, 35.5% lamang ng registered overseas voters ang nakaboto, ayon sa datos ng COMELEC. Dahil dito, inihain ni Magsino ang Overseas Electronic Registration and Voting Act (House Bill 6770) upang gawing mas madali at mabilis ang proseso ng pagrehistro at pagboto ng mga Pilipino sa ibang bansa.

Layunin ng HB 6770 na amyendahan ang Overseas Voting Act of 2003 (Republic Act 10590) upang pahintulutan ang pagrehistro at pagboto sa pamamagitan ng email, web-based portals, at iba pang internet-based na teknolohiya na ituturing na angkop ng COMELEC.

Ang inisyatibong ito ay kasabay ng pagpapatupad ng COMELEC ng internet voting para sa Halalan 2025, alinsunod sa Section 16.11 ng Republic Act No. 9189 at Section 28 ng RA No. 10590 - isang pansamantalang hakbang habang hinihintay ang pagsasabatas ng Overseas Electronic Registration and Voting Act, na naipasa na ng Mababang Kapulungan ngunit kasalukuyang tinatalakay pa sa Senado.

Ayon kay Magsino, matagal na niyang adbokasiya ang pagpapalakas ng karapatan sa pagboto ng overseas Filipino voters, lalo na ang mga OFWs at seafarers, upang mabigyan sila ng mas madaling paraan upang maipahayag ang kanilang boses sa halalan.

“Sa pamamagitan ng internet voting, mas madali at mas maginhawa nang makaboboto ang ating mga OFWs direkta mula saan man sila naroroon! Kahit nasa laot, naglalaba, o nagtatrabaho - basta may internet, may paraan at may karapatan silang bumoto. Sana’y lubusang magamit ito ng ating mga kababayan sa ibang bansa, lalo na’t malaki ang kanilang ambag sa ating ekonomiya at lipunan,” dagdag ng mambabatas.

OFW PARTY LIST PUSHES FOR STRONGER SUPPORT FOR OFWS AS REMITTANCES HIT $38.34B

Published on February 19, 2025

Remittances from Overseas Filipino Workers (OFWs) surged to a record $38.34 billion in 2024, marking a 3% increase from the previous year, according to the recent data from the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

December remittances reached an all-time high of $3.73 billion, up from $3.62 billion in 2023, as OFWs sent more financial support to their families during the holiday season. These remittances accounted for 8.3% of the country’s Gross Domestic Product (GDP) and 7.4% of Gross National Income (GNI).

The United States remained the top source, contributing 40.6% of total inflows, followed by Singapore (7.2%) and Saudi Arabia (6.4%). Other key contributors included Japan, the United Kingdom, the United Arab Emirates, Qatar, Taiwan, South Korea, and Canada.

Despite the economic benefits, OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” Magsino underscored the need to safeguard the rights and welfare of both land- and sea-based workers.

“Ang record-high remittances ay patunay ng sakripisyo ng ating mga kababayang OFW. Ngunit higit sa bilang, kailangang matiyak natin na ang kanilang pagsisikap ay humahantong sa pangmatagalang seguridad para sa kanilang pamilya,” Magsino said.

Rep. Magsino said government agencies must ensure commensurate programs and services for the welfare of OFWs and their families in light of their immense economic contribution.

She also stressed that while OFWs play a crucial role in economic growth, the government must not always depend on labor migration and should instead strengthen economic opportunities within the country. She also called for stronger reintegration programs and more job opportunities in the country.

“Tulad ng itinataguyod ko sa OFW Party List, dapat bigyang-diin ang mga programang makakatulong sa kanilang reintegration at paglikha ng mas maraming trabaho sa loob ng Pilipinas, upang ang pangingibang-bansa ay maging isang opsyon lamang at hindi isang pangangailangan,” she added.

OFW PARTY LIST LAUDS OFW EXEMPTION FROM PHILHEALTH CONTRIBUTION IN APPROVED AMENDMENTS TO THE UNIVERSAL HEALTH CARE ACT

Published on February 5, 2025

The House of Representatives approved on third and final reading House Bill No. 11357, which amends Republic Act No. 11223, or the Universal Health Care (UHC) Act. Among the key provisions of the bill is the exemption of Overseas Filipino Workers (OFWs) from mandatory PhilHealth contributions, a crucial amendment long advocated by OFW Party List Representative Marissa "Del Mar" Magsino.

House Bill 11357, an Act Strengthening the Philippine Healthcare System to Achieve Efficiency and Equity, and to Improve Public Health Emergency Preparedness, amends Republic Act No. 11223, otherwise known as the “Universal Healthcare Act”. Rep. Magsino, a principal author, said one of the key amendments states that OFWs, both land- and sea-based, will no longer be required to pay direct premium contributions. Instead, 50% will be shouldered by the national government and the other 50% will be shared by their employers.

Rep. Magsino first filed House Bill No. 369 in July 2022, which sought to exempt OFWs from PhilHealth contributions, arguing that migrant workers already secure health insurance coverage in their host countries.

After a series of meetings with Philhealth, she also filed House Bill No. 6116, which pushed for a preferential rate of premium contributions for OFWs to the National Health Insurance Program. Both House Bills 369 and 6116, authored by Rep. Magsino, were incorporated in the substitute House Bill 11357, which was passed by the lower house.

"Marami ang nag-aakala na ang mga OFW, lalo na iyong mga matagal nang nagtatrabaho sa ibang bansa, ay may mga kaya sa buhay, pero hindi nila alam na hindi lahat ng OFWs ay nakakaluwag para patawan ng dagdag gastos sa Philhealth, lalo na ang mga nasa elementary occupations. Isa pa, marami sa ating OFWs ay may medical coverage na sa bansang kanilang pinagtatrabahuhan kaya’t magiging dagdag pabigat sa kanila kung sila’y mandatory contributors pa sa Philhealth. At ako’y nagpapasalamat na itong panawagan natin para sa mga OFWs ay narinig ng ating mga kasamahan sa kamara at ngayo’y hindi na sila kailangang sumalo ng gastusin ng kanilang Philhealth membership.” said Rep. Magsino

Furthermore, the amendment states that unpaid premium contributions of Migrant Workers and Overseas Filipinos in Distress, as defined under Republic Act No. 8042, otherwise known as the Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995, as amended by Republic Act No. 10022, shall not be collected upon their arrival in the country. This provision serves to protect and uphold the rights of distressed overseas Filipinos, ensuring they are not burdened with immediate financial obligations upon their return. It also specifically indicates that failure to pay PhilHealth contributions shall not be a ground for the non-issuance of an Overseas Employment Certificate (OEC) to migrant workers.

“Removing this financial burden on our OFWs is equitable and justified by the unique nature of their overseas employment. Our OFWs comprise a significant segment of Philippine labor force and accounts for about 10% of the Gross Domestic Product (GDP) of the country in a year. Their remittances help fuel our economy and provide lifelines to thousands of OFW families and their dependents. Kaya’t ang amyendang ito sa UHC ay pagtanaw din natin sa ating OFWs sa kanilang naging tulong sa paglalago ng ating ekonomiya.” Rep. Magsino added.